• panggulayan.jpg

 HISTORY

Ang Panggulayan ay isa sa kauna-unahang Barangay ng Pinamalayan. Noong una, kabilang ito sa kauna-unahang barangay na may malaking nasasakupan. Ang hangganan nito ay nasa baybaying dagat (ngayon ay Barangay Wawa) hanggang sa Barangay Palayan kasama ang Poblasyon. Ang bahaging Silangan nito ang napiling Poblasyon noong 1912.

Noong mga panahong iyon ay pinasimulan ang paghahati-hati ng Barangay Panggulayan sa iba’t-ibang mga Barangay. Nagkaroon ng Barangay Sta. Rita at Barangay Palayan.

Ang kauna-unahang Tenyente Del Baryo ng barangay Panggulayan bago ang paghati-hati ay si Ginoong Lencio Morales, sinundan ito nina Ginoong Macario Mascariñas, Ginoong Vicente Malicsi at Ginoong David Lustañas.

Matapos ang paghati-hati ay naging kauna-unahang Punong Barangay ng Panggulayan ay si Ginoong Deogracias Delos Santos. Sinundan ito ni Timoteo Miciano noong taong 1972, nagtapos ang kanyang panunungkulan noong 1983 nang siya ay mamatay. Nahirang si Ginoong Francisco O. Magyaya bilang Punong Barangay taong 2007 hanggang 2010. Taong 2010 nagkaroon ng halalan at muling nahalal na Punong Barangay si Ginoong Magyaya hanggang 2013. Ika-28 ng Oktubre, 2013 nahalal naman na Punong Bayan si Ginoong Roberto Miciano hanggang kasalukuyan.

Ang piyesta ng Barangay Panggulayan ay ipinagdiriwang tuwing ika- 27 ng Hunyo, taon-taon at ang Patron nito ay ang Ina ng Laging Saklolo.

 

Login Form